Kinumpirma ni US President Donald Trump na magpapadala ang Amerika ng Patriot air defense systems sa Ukraine.
Ito ay karagdagang tulong para sa nagpapatuloy na pakikipaglaban ng Ukraine kontra sa invasion ng Russia.
Hindi naman tinukoy ni Trump ang bilang ng ipapadalang Patriots subalit tiniyak nito ang pagbibigay ng naturang air defense system na aniya’y kailangan ng Ukraine para sa kanilang proteksiyon.
Ang delivery naman ng nasabing weapon ay parte ng panibagong kasunduan, kung saan ayon kay Trump kasama ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa magbabayad sa US para sa ilang armas na ipapadala sa Ukraine.
Ang Patriot system ay epektibong air defense system laban sa tactical ballistic missiles.
Nagpahayag din ng pagkadismaya ang US President kay Russian President Vladimir Putin na aniya’y mabait makipagusap subalit binobomba ang lahat pagsapit ng gabi.