-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Dalawa ang nasawi matapos araruhin ng dump truck na may kargang buhangin ang isang bahay sa Cuevas, Trento, Agusan del Sur.
Napag-alamang tatlo ang sakay ng naturang dump truck kung saan nasawi ang driver na si John Paul Havana at ang isang hindi pa nakikilalang helper nito, habang patuloy namang ginagamot ang isa pa.
Napag-alamang nawasak umano ang ulo ng driver sanhi ng kanyang pagkamatay, habang ang isa pang nasawi ay naipit din sa sasakyan.
Empleyado ng nasabing barangay ang may-ari ng inararong bahay, na isinugod din sa ospital at ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng kapulisan, lalo na’t nadiskubreng naka-live pa sa kanyang Facebook page ang driver bago mangyari ang insidente.