Naka-isolate ngayon si Russian President Vladimir Putin bilang pag-iingat na rin matapos na ang ilan niyang entourage ay dinapuan ng COVID-19.

Pagtitiyak naman ng Kremlin na walang anumang nararamdamang sakit o ang 68-anyos na Pangulo.

Sariling desisyon aniya ng pangulo ang mag selfi-isolate matapos ang pagiging abala sa trabaho.

Ilan sa mga nakasalamuha niya ay sina Syrian President Bashar al-Assad, nakipagpulong din ito sa Russian Paralympians at nanonood din ito sa military drills sa Belarus.

Magugunitang noong nakaraang buwan na rin ay nagpaturok na rin ng COVID-19 vaccine ito.