Ginamit ni Russian President Vladimir Putin ang unang pagpapakita niya sa publiko para isulong ang kontrobersyal na reporma nito sa kontistusyon at nagpapanatili sa kaniya ng hanggang 2036.

Sa kaniyang talumpati sa national day ng kanilang bansa ibinahagi ng 67-anyos na pangulo ang kahalagahan ng pagpapanatili nito sa posisyon ng matagal.

Huling nakita kasi sa publiko ang Russian president noong May 9 sa Victory Day Celebration.

Nitong nakaraang araw lamang ay niluwagan na ng Russia ang ipinatupad na lockdown dahil sa banta ng coronavirus.