-- Advertisements --

Inapubrahan na ni U.S. President Donald Trump ang pagpapadala ng mga sandatang militar sa Ukraine upang suportahan ito laban sa patuloy na pambobomba na ginagawa ng Russia.

Ayon kay Trump, seryoso siyang pinag-iisipan ang pagsuporta sa panukalang batas sa Senado na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa Russia at sa mga bansang patuloy na nakikipagkalakalan dito.

Sa isang naganap na pagpupulong sa White House, sinabi ni Trump na nawawalan na siya ng pasensya kay Russian President Vladimir Putin dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nasasawi sa digmaan.

“I’m not happy with Putin. I can tell you that much right now,” ani Trump.

“We get a lot of bullshit thrown at us by Putin … He’s very nice all the time, but it turns out to be meaningless,” dagdag pa ng Pangulo ng Amerika.

Samantala, inihayag naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na pinalalawak na nila ang koordinasyon sa Estados Unidos upang mapabilis ang pagdating ng mga armas, lalo na sa air defense.

Patuloy din siyang nananawagan sa mas mahigpit na parusa laban sa Moscow upang mapilitang itigil na ang ginagawang opensiba.