Nahuli ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang Pilipina na pinaghihinalaang biktima ng isang mail-order-bride scheme.
Ibinahagi ni Commissioner Joel Anthony M. Viado ang pagkakaaresto t sa isang 41-anyos na Pilipina na sinamahan ng isang 52-anyos na lalaking Moroccan.
Ang pagkakakilanlan ng biktima at ng hinihinalang sangkot ay hindi isiniwalat alinsunod sa mga batas laban sa human trafficking.
Una umanong sinabi ng babaeng biktima na siya ay bibiyahe patungong Morocco na may layover sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasama ang inaangkin niyang asawa noong hatinggabi ng Hunyo 29 sa NAIA Terminal 1.
Gayunpaman, natuklasan ng mga opisyal ang maraming hindi pagkakatugma sa kanilang mga pahayag.
“Upon separate questioning, both individuals appeared evasive and suspicious when asked about details of their travel,” saad ni Viado.
Kinumpirma ng forensic documents laboratory ng anti-fraud section ng BI na ang ipinakitang dokumento ay peke nga.
“We will not tolerate the use of fake or falsified documents being used in trafficking efforts,” said Viado. “Individuals caught using fake documents shall face the harshest penalty of law,” dagdag ni Viado.