-- Advertisements --

Nakatutok sa pagpapalawak sa security alliance at economic relationship ang nakatakdang bilateral meeting nina Pangulong Bongbong Marcos at US Vice President Kamala Harris.

Naka-iskedyul din si US VP Harris na makipag pulong kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Nakatakdang bumiyahe ngayong gabi ng Linggo si Harris patungo dito sa Pilipinas.

Ayon sa pahayag ng US Embassy, muling pagtibayin ng pangalawang Pangulo ng Amerika ang “defense commitments’ nito sa Pilipinas at ang kahalagahan ng alyansa para mapanatili ang peace and stability sa bahagi ng West Philippine Sea.

Tatalakayin din sa pulong nina Marcos Jr. at Harris ang paninindigan kaugnay sa international rules lalo na ang freedom of navigation.

Siniguro din ng US Embassy ang commitment ng US Vice President na makipag tulungan ito sa Pilipinas para palawakin pa ang economic partnership and investment tries ng dalawang bansa.

Umaasa ang Amerika na magkakaroon ng bagong initiatives na may kaugnayan sa digital economy at pagsusulong ng clean energy.

Habang nasa bansa si Harris magkakaroon ito ng pagkakataon na makipagkita sa civil society activist kung saan ipinapakita nito ang suporta ng US sa human rights at democratic resilience.

Dadalo din si VP Harris sa isang townhall event kung saan i-empower nito ang mga Kababaihang Pinoy hinggil sa economic empowerment at civic participation.

Ito ang adbokasiya na isinusulong ni US VP Harris, at kauna -unahang niyang ginawa simula ng maluklok siya sa pwesto.

Nakatakda din bumiya si Harris sa Puerto Princesa, Palawan si Harris kung saan makikipagpulong siya sa mga residente, civil society leaders at mga tauhan ng Philippine Coast Guard.

Ang pagbisita ni Harris sa Palawan ay maituturing na historic event dahil ang Vice-President ay isa sa highest-ranking U.S. official na bumisita sa naturang lugar.

Nagpapakita din ito sa commitment ng Biden-Harris administration na makiisa sa Pilipinas bilang magka-alyadong bansa at igiit ang international maritime order.