BUTUAN CITY – Patuloy ngayong inaalam ang kabuuang detalye kaugnay sa pagkapatay kasabay sa manhunt operation sa pulis na bumaril sa kaniyang force commander sa loob ng headquarter sa 2nd Agusan del Sur Provincial Mobile Force Company na nakabase sa Brgy. Bunawan Brook sa Bunawan, Agusan del Sur.

Una nang Nagpalabas ng reward money na 50-mil pesos ang Police Regional Office kon PRO-13 sa makapagbigay ng impormasyon sa lokasyon ng pulis na si Patrolman Jhon Paul Gerida, apat na taon na sa serbisyo at residente sa Purok 6, Brgy. Taganito, bayan ng Claver, Surigao del Norte.

Nangyari ang pamamaril pasado alas-9:55 ng gabi ng ipinatawag ang suspek sa biktimang si Lt. Colonel Rex Lomente ngunit pagkaraan umano ng iilang minuto ay narinig na lamang sa kanilang mga kasamahan ang putok ng baril at nakita na nakahandusay ang biktima na daling dinala sa Bunawan District Hospital at nai-refer sa Agusan del Sur Provincial Hospital hanggang dinala na sa Southern Philippines Medical Center upang ma-operahan sa kaniyang ulo.

Patuloy naman ngayong inaalam ang motibo sa pamamaril ng suspek sa kaniyang senior officer.