-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagsimula na ang pag-double check ng deoxyribonucleic acid o DNA samples ng mga pasaherong namatay sa bumagsak na Indian Air at ang DNA ng kanilang mga ka-anak para sa tamang identification.

Ayon kay Bombo international news correspondent to India Gee de la Cruz, ito’y dahil hindi na makilala ang karamihan ng mga biktima dahil sa kanilang pagkasunog at nagkalasog-lasog pa ang iba.

Dagdag ni de la Cruz, hindi pa nagpalabas ng update ang Indian government sa sanhi ng pagbagsak matapos matagpuan ang black box ng nasabing eroplano.

May inilabas na ring emergency hotlines upang matawagan ng mga ka-anak ng mga biktima na gustong makakuha ng update sa kanilang imbestigasyon at sa ginawang DNA testing.

Mas istrikto na rin ngayon ang operasyon ng kanilang airport upang matiyak na hindi na mauulit pa ang nangyari.