BUTUAN CITY – Target ngayon ng Department of Education na maka-emergize pa ng karagdagang 290 na mga off-grid schools sa buong bansa o mga paaralan na sobrang layo at walang kuryente upang makabenepisyo sa electrification program ng gobyerno.
Ito’y matapos ang pilot launch ni Education Secretary Sonny Angara kasama ang mga opisyal ng National Electrification Administration o NEA sa last-mile school sa Datu Saldong Domino Elementary School sa Sitio Tagpange, sakop ng Barangay Simbalan, Buenavista, Agusan del Norte, na parte lang ng maraming mga off-grid schools.
Highlight sa nasabing aktibidad ang epekto ng “digital bayanihan” sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at ibang mga stakeholders upang makarating at ma-inspire ang mga mag-aaral sa mga remote areas na mag-aral ng mabuti
Ayon kay Secretary Angara, sa pamamagitan ng digital bayanihan, kanilang na-connect ang mga paaralan at mga estudyante para sa mas maganda nilang kinabukasan.
Nagbigay din ang kalihim ng mga connectivity tools, pati na ang mga Starlink units, mga tablets, smart TVs, electric fans, at iba pang mga learning devices.