CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi sana ng warrant of arrest laban sa isang dating sundalo sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Police Senior Master Sergeant (SMS) Rofel Manuel na nakatalaga sa Arakan Municipal Police Station sa Arakan North Cotabato.

Patay rin ang suspek na si Ex-Sergeant Arnold Maligatong ng Philippine Army.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga tauhan ng Arakan PNP laban sa suspek sa Sitio Pine Tree Barangay Libertad Arakan North Cotabato.

Ngunit nanlaban ang Ex-Army at pinaputukan ang grupo ni SMS Manuel na tinamaan sa kanyang dibdib.

Napilitan ang mga pulis na paputukan si Maligatong dahilan para itoy bawian ng buhay.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Manuel dahil sa layo ng lugar kung saan sila nagsagawa nang operasyon.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa bayaning pulis na nasawi habang itoy nasa tour of duty.