CENTRAL MINDANAO- Nagnegatibo sa confirmatory test ng RITM sa Coronavirus Disease ang 62 anyos na nasawi sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa Department of Health (DOH) ang biktima ay kabilang sa Person Under Investigation (PUI) dahil nakitaan ito ng sintomas ng Covid 19.

Ang biktima na residente sa bayan ng Makilala Cotabato ay nasawi sa sakit na Acute Respiratory failure to Community acquired pneumonia high risk stage 4 Chorio Carcinoma with lung metastasis.

Sa laboratory test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) nagnegatibo ito sa Coronavirus Disease.

Ang 62 anyos na ginang ay ikap[ito(7) na person under investigation o PUI ang nasawi sa SOCCKSARGEN.

Nabatid na walang travel history ang pasyente pero nakaramdam ng hirap sa pahinga.

Todo pasasalamat naman ang pamilya ng ginang dahil maiburol nila ito at mailibing ng maayos.

Sa ngayon ay nanatiling Covid 19 free ang probinsya ng Cotabato.