-- Advertisements --

Umaasa ang Philippine Sports Commission (PSC) na mahihigitan ng Pilipinas ang nahakot nilang medalya noong 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia.

Sa ginawang send-off ceremony ng 1,600 na Philippine team na sasabak sa SEA Games sa Bangkok, Thailand ay sinabi ni PSC chair Patrick Gregorio na kayang higitan ng ating manlalaro ang nagdaang medalya.

Sa nagdaang Cambodia SEA Games ay nakakuha ang Pilipinas ng 58 gold , 86 silver at 116 bronze medals.

Inanunsiyo din ni Gregorio na mayroong P6,000 na dagdag na allowance sa lahat ng mga atleta at coaches na sasabak sa Thailand at mayroon ding P18,000 na Christmas bonus.

Ang nasabing halaga ay bukod pa sa P26,000 na kanilang matatanggap bilang SEA Games stipend.