principal shot in Tandag

(Update) BUTUAN CITY – Patuloy na nagpapagaling na ang isang principal matapos makaligtas sa pamamaril ng pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Tandag City, Surigao del Sur nitong nakaraang araw.

Nakilala ang biktima na si Eli Canonigo Apacible, principal ng Hitaob Elementary School sa Purok Hitaob, Barangay Awasian ng nasabing lungsod.

Nabatid na maghahatid lang umano ang biktima ng mga module para sa mga estudyante nang binaril ito sa ulo ng sniper ng NPA.

Masuwerteng namang hindi malubha ang sugat na natamo ng guro at naisugod agad ito sa ospital.

Samantala, mariing kinondena ng Surigao Del Sur Provincial Police Office ang pamamaril ng umano’y rebeldeng NPA.