-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso, sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang ‘price freeze’ sa mga pangunahing bilihin.

Alinsunod sa Republic Act 7851 o ‘The Price Act’, mananatili sa kasalukuyang presyo o ‘prevailing prices’ ang mga basic commodities sa loob ng 60-araw.

Ibig sabihin, naka-price freeze ang partikular na mga produktong bigas, tinapay, itlog, gatas, gulay, prutas, cooking oil at iba pa kasama pati essential medicines.

Kung kaya’t inatasan nito ang Market Administration Office upang ipakalat ang naturang impormasyoon at matiyak na nasusunod ang direktiba sa lahat ng pamilihan matatagpuan sa lungsod.

Kasabay nito’y binalaan rin ng lokal na pamahalaan ang mga negosyanteng di’ tatalima sa price freeze at mahuhuling nag-hoard, nag-profiteer na siyang labag sa batas.