Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 ang press secretary ni US Vice President Mike Pence.

Katie Miller
Katie Miller/ Twitter image

Ayon kay President Donald Trump lumabas na positibo ng nasabing virus si Katie Miller, isa sa senior staffer ni Pence.

Nilinaw ni Trump na hindi niya nilapitan si Miller kahit na lagi nitong nakakasalamuha si Pence.

Kasal naman ito kay Stephen Miller isa sa pinagkakatiwalaang advisers din ni Trump.

Dahil dito, naantala ang biyahe ni Pence nitong Biyernes dahil kailangang umalis sa sinasakyan nitong eroplano ang mga nakasalamuha ni Miller.

Magugunitang nagpositibo rin sa coronavirus ang isa sa personal aide ni Trump subalit nagnegatibo naman ang US President nang ito ay sumailalim sa COVID test.