-- Advertisements --
Agad na nabibigyan ng aksyon ang mga abusong narararanasan ng mga mamamahayag sa bansa.
Sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Usec Paul Gutierrez na nakatutok ang kaniyang opisina para resolbahin ang anumang kaso.
Mahigpit aniya ang utos sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tutukan ang mga kaso ng karahasan sa mga media.
Tiniyak sa kaniya ng pangulo na binibigyan nito ng halaga ang interes at seguridad ng mga mamamahayag sa bansa.
















