-- Advertisements --

Hindi pa rin napapalaya ang dating TV host na si Jay Sonza dahil hinihintay pa ang clearance mula sa National Bureau of Investigation, ayon sa kanyang abogado na si Atty. Mark Tolentino.

Ito ay sa kabila pa ng release order ng Pasay City Regional Trial Court Branch 118 matapos makapagpiyansa ng P10,000 ang dating broadcaster.

Ayon kay Atty. Tolentino, hindi pa pinapalaya si Sonza dahil sa “hit” sa kanyang NBI record, kahit na aniya’y naibasura na ang mga lumang kaso.

Nanawagan din ang abogado kay NBI Director Melvin Matibag na payagan na ang pagpapalaya sa sa makataong kadahilanan, dahil 71 taong gulang na ang kanyang kliyente.

Naghain na rin ang kampo ni Sonza ng motion to quash sa kaniyang kaso at may isang buwan ang korte para magdesisyon dito.