Binabantayan ng state weather bureau ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine territory.
Namataan ito sa layong 910 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.
Gayunman, ang patuloy ding nakakaapekto sa bansa ay ang easterlies na nagdadala ng mainit na panahon at paminsang pag-ulan.
Samantala, isang tropical depression din ang kasalukuyang nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Namataan ito sa 2,560 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 55 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na umaabot hanggang 70 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong north northwestward nang mabagal.
Bagama’t wala pang direktang epekto sa bansa ang tropical depression, pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa mga susunod na abiso ng mga eksperto lalo na kung sakaling pumasok ito sa PAR at magdulot ng pagbabago sa lagay ng panahon.
















