Iginiit ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na mas magiging kahina-hinala pa kung may mga botong tutol sa probable cause sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte, kumpara sa naging 53–0 na pasya ng House Committee on Justice.
Sinabi ni Cendaña na inaasahan na ang mga alegasyon ng suhulan at pananakot matapos ang unanimous decision ng komite, ngunit binigyang-diin niya na nakabatay ang boto sa malakas na ebidensya na iniharap sa mga pagdinig.
Tugon din niya ang mga paratang ng ilang Duterte allies na may pananakot umano sa pamamagitan ng pagbusisi sa SALN ng mga mambabatas, at iginiit na bahagi ito ng transparency at accountability sa gobyerno, hindi pamimilit.
Ayon pa sa mambabatas, hindi na bago ang ganitong mga isyu sa pulitika, ngunit hindi dapat nito maapektuhan ang constitutional duty ng Kongreso na magdesisyon base sa ebidensya at hindi sa takot o impluwensya.
Dagdag niya, malakas ang posibilidad na maipasa sa Kamara ang Articles of Impeachment patungong Senado, at mas mainam kung mas malawak pa ang suporta ng mga mambabatas upang ipakita ang bigat ng mga ebidensyang lumabas sa imbestigasyon. (report by Bombo Jai)










