-- Advertisements --

Nagkaroon ng matinding palitan ng pahayag sa plenaryo ng Kamara nitong Martes, matapos magbanggaan ang dalawang neophyte lawmakers mula Batangas na sina Rep. Leandro Leviste at Rep. Ryan Recto.

Matapang na nanawagan si Leviste ng imbestigasyon hinggil sa umano’y koneksiyon ni Executive Secretary Ralph Recto kay Construction Workers Solidarity Rep. Edwin Gardiola na nasasangkot sa kontrobersyal na “flood control scandal.”

Agad namang sumagot si Rep. Ryan Recto at mariing ipinagtanggol ang kanyang ama laban sa mga paratang.

Kinuwestyon pa nito ang motibo at basehan ni Leviste sa naturang isyu.

Pinabulaanan pa niya ang mga akusasyon at iginiit na “purely professional” lamang ang naging ugnayan ng Executive Secretary at ni Gardiola.

Ang bangayan ay nagdulot ng matinding tensyon sa loob ng plenaryo at nagbabadya ng mas malalim na banggaan sa pagitan ng mga bagong henerasyon ng mambabatas mula Batangas.