-- Advertisements --

Nagkamit ng gintong medalya si Filipino weightlifter Albert delos Santos sa IWF World Junior Championship na ginanap sa Ismaila, Egypt.

Nagtala rin siya ng bagong junior world record sa pamamagitan ng pagbuhat ng 187 kilograms (kg) sa clean and jerk para sa gold ganun din ang pagkamit nito ng kabuuang 326 kg.

Tinalo nito ang pambato ng India na si Yash Khandagale at Jimmy Lopez ng Ecuador.

Inialay ni Albert ang panalo sa namayapang ama na coach na si Alvin Delos Santos na pumanaw dahil sa liver cancer.

Sa ngayon ay nagsasanay siya sa ilalim ni Julius Naranjo ang asawa ni unang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.