-- Advertisements --
Nagbulsa ng gintong medalya si Filipino Olympian Elreen Ando sa nagpapatuloy na 2025 Souhteast Asian Games (SEAG).
Si Ando ang kinatawan ng Pilipinas sa Women’s Weightlifting 63kg class sa nagpapatuloy na turneyo.
Nagawa niyang i-angat ang kabuuang 229kg sa kaniyang sinalihang event. Ito ay malayong mas mataas kumpara sa sumunod sa kaniya na silver medalist.
Umabot lamang kasi sa 219kg ang nai-angat ng 2nd placer na si Thi Thuy Tien Nguyen na pambato ng bansang Vietnam.
Pumangatlo sa naturang event ang pambato ng Thailand na si Thanaporn Saetia na nagbuhat ng kabuuang 218kg.
Ang gintong medalya ni Ando ay ang ikalawang gold medal ng Pilipinas ngayong araw. (report by Bombo Genesis)
















