-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng hanggang dalawang taon si Olympian weightlifter Vanessa Sarno.

ito ay matapos ang paglabag niya sa anti-doping rule violation at pagbubuntis.

Ang sanctions ay inilabas ng International Testing Agency ang nangungunang anti-doping program na kinuha ng International Weightlifting Federation.

Ayon sa ITA na nagsimula ang sanctions kay Sarno simula Agosto 4 at matatapos ng hanggang Agosto 3 , 2027.

Kinumpirma din ni Samahang Weightifting ng Pilipinas president Monico Puentevella na nagdadalang-tao na ang Asian champion at Southeast Asian Games gold medalist.