-- Advertisements --

Patungo na sa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para dumalo sa 30th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit.

Sa kaniyang departure speech sa Villamor Airbase sa lungsod ng Pasay nitong Martes ng gabi, isusulong nito ang pangunahing agenda ng bansa gaya ng food and energy security, suporta sa mga maliliit na negosyo at ang pagsulong ng digitalization.

Ito na ang pangatlong biyahe sa US ng pangulo mula ng maupo sa puwesto.

Ang nasabing biyahe niya ngayon ay base sa imbitasyon ni US President Joe Biden na siyang namumuno sa summit ngayong taon na siyang mahalagang pagkakataon para isulong ang trade, investment at economic cooperation.