-- Advertisements --

Patay ang isang 65-anyos na botante matapos bumoto ngayong araw ng halalan, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Kinilala ng Police Regional Office 5 (PRO-5) ang nasawi bilang si Nestor Rensales, na nawalan ng malay bandang alas-6:05 ng umaga matapos bumoto sa Oas South Central School sa Barangay Ilaor Sur.

Ayon kay Police Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5, si Rensales ay inatake sa puso at agad binigyan ng paunang lunas ng mga medical personnel ng Commission on Elections (Comelec) sa lugar.

Agad siyang isinugod sa isang provincial hospital sa Ligao City, ngunit kalaunan ay idineklarang dead on arrival.

Maalalang una nang inanunsyo ng Comelec ang maagang pag-boto para sa mga senior citizen, PWDs, at buntis. Gayunman, ilang botante ang nagreklamo ng matinding init sa mga kanilang mga presinto.