Lumago ng 5.4% ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas kumpara sa 5.3% na GDP growth noong huling bahagi ng 2024.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa ang quarter-on-quarter growth ay nasa 1.2%, na pinangunahan ng manufacturing, retail trade, at construction.
Bagamat mas mababa ito sa 5.9% growth sa parehong panahon noong nakaraang taon, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nagpapakita ito ng “steady growth” sa kabila ng world economic uncertainty dulot ng tensyon sa kalakalan sa pagitan ng U.S. at iba pang mga bansa.
Pangalawa ang Pilipinas sa pinakamabilis na lumago ang ekonomiya sa Asya sa unang quarter ng 2025, kasunod ng Vietnam (6.9%) at kapantay ng China (5.4%).
Ayon naman kay Undersecretary Rosemarie Edillon ng NEDA, kailangang makamit ng bansa ang 6.2% growth sa mga natitirang quarter upang maabot ang target na 6% para sa buong taon.
Hinikayat din niya ang pagpapalakas ng ugnayang pangkalakalan sa European Union, United Arab Emirates (UAE), at Estados Unidos.