-- Advertisements --

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.

Ayon sa labor force participation survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang unemployment rate noong Setyembre ay 3.8 porsyento.

Ito ay katumbas ng 1.96 milyong walang trabaho, mas mababa kaysa sa 2.03 milyon noong Agosto.

Bahagyang bumaba sa 96.2% ang employment rate, o 49.60 milyong Pilipinong may trabaho.

Samantala, tumaas ang bilang ng mga underemployed, o mga manggagawang hindi sapat ang sweldo o nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan.

Umabot ito sa 11.1% noong Setyembre, mula sa 10.7% noong Agosto.

Ang mga sektor na may pagtaas sa bilang ng mga manggagawa ay kinabibilangan ng edukasyon, agrikultura at forestry, human health and social work, at mining at quarrying.