Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority ang bahagyang bumilis ang antas ng inflation sa Pilipinas nitong buwan ng Setyembre.
Batay sa ulat na inilbas ni PSA National Statistician at Undersecretary Dennis Mapa, ipinahayag na ang inflation rate ay umakyat sa 1.7 porsyento sa buwan ng Setyembre.
Ito ay mas mataas kumpara sa 1.5 porsyento na naitala noong nakaraang buwan ng Agosto.
Ang pangunahing dahilan sa pagtaas ng inflation ay ang mas mabilis na paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo tulad ng gasolina at diesel.
Bukod dito, nagkaroon din ng pagmahal sa presyo ng mga gulay, partikular na ang kamatis, na nag-ambag din sa pagtaas ng inflation.
Maliban sa kamatis, naitala rin ang pagtaas sa presyo ng mantika. Sa kabilang banda, bumaba naman ang antas ng inflation para sa ilang mga produkto tulad ng baboy, isda, at itlog.
Sinabi rin ng PSA na ang average inflation rate ay nananatili sa 1.7 porsyento.