-- Advertisements --

Walang na-monitor ang Philippine Coast Guard (PCG) na anumang konsttruksiyon o reclamation activities ng China sa Bajo de Masiloc o Scarborough shoal.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, walang reclamation na ginagawa sa naturang karagatan maliban ang maritime domain awareness flight na isinasagawa ng coast guard at karaniwang pagpapatroliya.

Ang hamon aniya ngayon ay ang pagtungo malapit sa shoal lalo na ang pagpasok sa Bajo de Masinloc.

Nauna naman ng nagbabala si National Security Council (NSC) spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya na ang anumang pagtatangka ng China na gawing isang artificial island ang Bajo de Masinloc ay ikinokonsiderang paglabag sa “red line”.

Ang naturang pahayag ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presensiya ng mga barko ng China na humaharang lalo na sa mga mangingisdang Pilipino na ma-access ang naturang shoal sa nakalipas na taon.