-- Advertisements --

Nagpaabot ng pasasalamat si Vice President Sara Duterte sa lahat ng ina sa bansa ngayong Araw ng mga Ina, sa pamamagitan ng isang video message na ipinost nito sa Facebook nitong Linggo.

Tinawag ni Duterte ang mga Ina bilang “ilaw ng tahanan” at pinuri ang kanilang katapangan, sakripisyo, at dalisay na pagmamahal para sa kanilang pamilya.

‘Ipinagdiriwang natin ang iyong katatagan, sakripisyo at wagas na pagmahahal. Sa bawat araw na inilalaan ninyo sa inyong pag-aaruga, pagtataguyod, at paggabay sa inyong mga anak at mahal sa buhay, isinasabuhay ninyo ang uri ng pagmamahal na tapat, dalisay, at walang kapantay,’ ani VP Duterte sa kanyang mensahe.

Dagdag pa ng Vice President, bilang mga anak at ina, ang sukli sa ganitong pagmamahal ay ang pagbibigay-galang, malasakit, at marangal na pamumuhay para sa kapwa at sa bayan.