Inamin ng PPCRV na nagkaroon ng hindi inaasahang teknikal na isyu ang kanilang panig kagabi, na nagdulot ng pagkaantala sa pagpapalabas ng karaniwang ulat ng datos sa halalan.
Ang unang datos na natanggap pagkalipas ng alas-8:15 PM ay nasa iba’t-ibang format, kaya nagkaroon ng delay sa pagproseso, at kalaunan ay napansin ang mga pagkakaiba sa bilang ng PPCRV kumpara sa iba pang transparency server recipients.
Matapos ang masusing pagsusuri, natuklasan na ang datos ay tama, na sumasalamin sa maayos na pagsala ng mga dobleng entry, kaya’t inilalabas na namin ang beripikadong dataset.
Napansin din ang malaking agwat sa bilang ng election return receipts na natanggap ng PPCRV kumpara sa ipinapakita sa pampublikong dashboard ng COMELEC, kaya’t patuloy ang koordinasyon upang maunawaan at maresolba ito.
Dahil dito, mas nagiging mahalaga ang audit activities gaya ng Random Manual Audit (RMA) at Unofficial Parallel Count (UPC) upang tiyakin ang katumpakan ng resulta at mapanatili ang integridad ng proseso.