-- Advertisements --

Nagawa pang bumoto ng isang babaeng sa kabila ng nararanasang pananakit ng tiyan at senyales ng panganganak sa Pangasinan ngayong araw ng Halalan.

Ayon kay Jobert Ticman, isang election monitor, nagpakita pa ng ngiti umano ang babae habang kinukuhanan ng litrato sa kabila ng matinding nararanasang sakit ng tyan. Matapos makaboto, agad siyang nagtungo sa pasilidad pinakamalapit na clinic para manganak.

Samantala, isang senior citizen naman ang pumanaw matapos bumoto sa Barangay Gayaman, Binmaley. Ayon sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), nakaranas ng hirap sa paghinga ang matanda habang nasa pila, dulot ng matinding init.

Matapos bumoto, nakaramdam siya ng pagkahilo at nawalan ng malay. Idineklara siyang patay ng mga medic pasado alas-7 ng umaga.