-- Advertisements --

Aabot sa 1.27 milyon na beses na tinangkang i-hack ang Precint Finder Page ng Commission on Election sa araw mismo ng halalan.

Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, na ang insidente ay matatawag na DIDOS o deliberated denial of service kung saan isang paraan ng pag-‘crowding’ ng webpage para hindi ito ma-access ng botante.

Dagdag pa nito na mayroong 43.7 milyon ang bumisita sa webpage.

Sa nasabing bilang ay 43 milyon ay 14.11 milyon ang lehitimo na nag-search.

Habang mayroong 1.27 milyon naman ang pag-atake sa cyber security division.

Dahil dito ay patuloy ang giangawang imbestigasyon ng COMELEC sa nasabing insidente.