Ibinunyag ng Malacañang na hindi talaga nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magbitiw si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang special adviser sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Sinabi ni Palace press officer Claire Castro, pinapa-review ng pangulo ang appointment ni Magalong sa ICI.
Dagdag pa ni Castro na ang direktiba ay hindi para tanggalin si Magalong at sa halip ay tugunan ang isyu ukol sa pagiging alkalde nito at ang pagtatrabaho nito sa ICI.
Nais pa ng Pangulo na magsilbi si Magalong bilang special adviser at investigator ng ICI dahil sa hindi nagbitiw si Magalong bilang alkalde ay nagsilbi na lamang itong special adviser.
Nais din ng Pangulo na matiyak na walang nalalabag ang pagtatalaga kay Magalong bilang siya ay nagsisilbing alkalde na rin.