-- Advertisements --

Iminungkahi ni Vice President Sara Duterte na dapat isama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na iniimbesitagahan ukol sa anomalya sa flood control projects.

Ayon sa Bise Presidente, malinaw ang ebidensiya na makikita ang anomalya sa 2025 national budget.

Una kasing sinabi ng pangulo na hindi pa nakakasama sa nakatakdang kasuhan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si dating House Speaker Martin Romualdez.

Dagdag pa ni VP Duterte, na maaring hindi nabasa ang 2025 budget kung saan mayroong discrepancies sa National Expenditure Program (NEP) na isinumite ng executive department at ang General Appropriations Act (GAA) na ipinasa ng Kongreso.

Giit pa nito na makikita ang mga proyekto ng Executive Department ay nasa NEP subalit sa GAA ay makikita ang proyekto na wala sa NEP kaya malinaw na ito ang ebidensya.

Ang nasabing mga pagdagdag ay maituturing na ‘insertions’ na mula sa impluwensiya ng pamumuno ng House of Representatives.

Kaya marapatna isama ang pangulo dahil sa pagpirma nito sa 2025 GAA.