-- Advertisements --
Nakabalik na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr mula sa dalawang araw na state visit niya sa Vietnam.
Lumapag ang sinakyan nitong eroplano na Philippine Airlines PR001 sa Villamor Airbase sa lungsod ng Pasay dakong alas 2:47 ng umaga ng Miyerkules.
Sa kaniyang arrival speech, sinabi nito na ang layon ng kaniyang pagbisita sa Vietnam ay para mapatatag ang strategic partnership ng Pilipinas at Vietnam.
Ilan sa mga tinalakay nila ni Vietnam President Võ Van Thuong ang kooperasyon ng dalawang bansa kabilang ang defense, maritime, trade and investment, economic, education, turismo at kultura.
Ikinatuwa rin ng pangulo na hanga ang mga Vietnam sa kasipagan ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa Vietnam.