-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup 2025 matapos na tambakan sila ng Australia 84-60.

Sa unang quarter pa lamang ay dominado na ng Boomers ang laro 29-12 sa laro na ginanap sa King Abdullah Sports City sa Jeddah, Saudi, Arabia.

Nadepensahan din ng world number 7 si Justin Brownlee kaya nahirapan itong makapuntos.

Pinilit pa ng Gilas na mahabol ang puntos subalit labis silang nahirapan at hindi na napantayan ang wala pang talo na Boomers.

Ito na ang pangatlong beses na nabigo ang Gilas Pilipinas na makaapak sa semifinals ng FIBA Asia Cup matapos ang back-to-back na runner-up place nila noong 2013 sa Manila at 2015 na ginanap naman sa Changsha, China.

Naging malaking hamon din ngayon sa Gilas ang kawalan nina Calvin Oftana at Cjay Perez dahil sa ankle injuries na kanilang natamo noong mga naunang laro.

Nasayang ang nagawang 17 points ni Kevin Quiambao, 15 points naman kay Dwight Ramos at 10 points ang naitala ni Brownlee.