-- Advertisements --

Binigyan ng payo ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson si Batangas 1st District Representative Congressman Leandro Leviste na maghinay-hinay sa paglalantad ng mga katiwalian sa gobyerno kaugnay ng sunod-sunod na pagbunyag ng batang mambabatas ng mga ebidensya na nagpapatunay umano ng mga korapsyong nangyayari sa pamahalaan. 

Ayon kay Lacson, lumapit din umano sakanya ang ina ng kongresista na si Senator Loren Legarda upang humingi ng tulong na payuhan ang anak na kumalma sa ginagawang pagboses kontra sa katiwalian. Kung kaya’t pinayuhan ito ng senador na huwag maging bara-bara at iwasan ang masyadong paglabas sa media.

Dagdag pa ni Lacson, dapat ay maging handa ang kongrisista sa mga kritisismo at pambabatikos na matatanggap nito, dahil ito ang kalakip nang ginagawang pagboses niya kontra sa katiwalian.

”wag yung bara-bara, e telegraph nya ng kaunti..wag yung araw-araw nasa TV…kasi dba nakakaumay din” ani Lacson.

Habang nagpabatid naman ng kanyang sympatya ang sendor sa ginagawang paglalantad ni Leviste sa mga katiwalian sa gobyerno partikular na sa mga proyektong pang imprastraktura. Aniya, naiintidihan niya ang batang mambabatas dahil ganito din ang kaniyang naging karanasan noong siya ay bagong senador pa lamang. Kung saan, kaniyang inilantad din ang kurapsyon noon sa administrasyong Arroyo. 

Samantala, kaugnay ng umuusad na imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa flood control projects. Muling magbubukas ang pagdinig dito ng Senate Blue Ribbon Committee sa Lunes, Enero a 19, kung saan inimbitahan ng komite na dumalo si Congressman Leviste, upang matalakay ng masinsinan ang hawak nitong dokumentong tinatawag na cabral files.