-- Advertisements --
Sasailalim sa medical test si King Salman ng Saudi Arabia.
Ayon sa Royal Court na sumailalim sa medical examination ang 90-anyos na monarch sa King Faisal Specialist Hospital sa Riyadh.
Mula pa noong 2015 ay nakaupo na ito sa trono kahit na ang kaniyang anak na si Mohammed bin Salman ay pinangalanang crown prince noong 2017 at nagsisilbing de facto ruler.
Mula pa noong nakaraang taon ay naoperahan na at dumaan na rin sa ilang medical examination si King Salman.
Noong 2024 ay sinabi ng Royal Court na dinapuan ito ng lung infections kung saan ito ay gumaling din.
















