-- Advertisements --

Posibleng sumailalim sa lung transplant si Crown Princess Mette-Marit ng Norway.

Ayon sa Royal Palace ng Norway, na noong mga nagdaang buwan ay lalong humina ang kalusugan ng 52-anyos na Crown Princess.

Taong 2018 ng ito ay ma-diagnosed ng pulmonary fibrosis.

Sinabi naman ni Princess Mette-Marit na ang kaniyang sakit ay mabilis na kumalat ng hindi niya inaasahan.