-- Advertisements --
Ibinunyag ng legendary singer na si Barry Manilow na ito ay na-diagnosed ng lung cancer.
Sa kaniyang social media account sinabi ng 82-anyos na singer na dinapuan ito ng bronchitis ng anim na linggo at nagpahinga ng dagdag na limang linggo.
Bagamat nakabalik na ito sa pagsagawa ng konsiyerto sa Las Vegas ay minabuti ng kaniyang doctor na isailalim siya sa Magnetic resonance imaging (MRI) at doon lumabas ang nasabing diagnosed na mayroon itong lung cancer.
Nagpasalamat na lamang ito dahil sa maagang nakita ang cancer at ito ay sasailalim sa operasyon.
Dahil dito ay napilitan itong kanselahin ang mga nakatakdang konsiyerto niya para makapagpagaling.
















