Naibenta sa auction sa halagang $9.1 milyon ang kauna-unahang edisyon ng Superman comics.
Ayon sa Heritage Auctions sa Texas, na ang original copy ng Man of Steel comics ay inilabas noong June 1939.
Pag-aari ito ng mga magkakapatid mula sa San Francisco.
Kuwento ng magkakapatid na aksidente lamang nilang nadiskubre ang comics na pag-aari ng kanilang yumaong ina.
Naglilinis umano sila ng kanilang bahay ng makita ang mga tambak na diyaryo at doon nakita ang comics.
Nasa edad 50 at 60 na ang magkakapatid kung saan laging ikinukuwento ng ina nila na mayroong itong mga mamahaling comics collections subalit hindi niya ito pinakita sa kanila.
Itinuturing na ito na ang pinakamahal na comics books na nabili sa auciton.
Nahigitan nito ang Action Comics No.1 noong 1938 na unang nagpakilala kay Superman at nabili ng $6-M.















