-- Advertisements --

Kinoronahan bilang Miss USA ang 22-anyos na si Audrey Eckert ng Nebraska.

Tinalo nito ang 50 kalahok sa pageant na ginanap sa Grand Sierra Resort sa Reno, Nevada.

Tinanghal naman bilang first runner up si Ivy Harrignton mula sa New Jersey habang si Chantéa McIntyre mula Oregon ay second runner up.

Halos 18 buwan na hindi naganap ang pageant matapos ang alegasyon ng mistreatment ni Noelia Voigt mula Utah.

Dahil sa bagong organizer ay naisagawa ang limang araw na events na mula sa swimwear competitions, evening wear parades at Q&A sa mga judges.