-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan si boxing great Terence “Bud” Crawford dahil sa paglabag sa trapiko.

Pinara ng mga kapulisan sa Omaha, Nebraska ang sasakyan ni Crawford at nabigyan ng citation tickets dahil sa reckless driving.

Pinababa pa ito ng mga otoridad kasama ang apat na sakay nito kung saan nakuhanan pa sila ng baril na lumalabas na ito ay may permit.

Base sa imbestigasyon na galing sa victory parade ang boksingero sa Omaha kung saan ito lumaki para ipagdiwang ang panalo niya kay Canelo Alvarez nitong Setyembre.

Pinakawalan din ang 38-anyos na boksingero matapos na ito ay matiketan dahil sa paglabag sa trapiko.