-- Advertisements --

Naging bisita ni US President Donald Trump si Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman.

Tinalakay ng dalawa ang pagiging matibay na samahan ng dalawang bansa.

Sinabi ng Saudi Crown Prince na handa itong mag-invest ng ilang bilyong dolyar sa US.

Ang unang pangako nito na $600 bilyon na investment ay maaring dagdagan niya at magiging $1-trillion.

Ikinatuwa naman ni Trump ang naging pahayag ng Saudi Prince kung saan sinabi niya na may malaking tiwala ang bawat isa.