-- Advertisements --
Tinalo ng Saudi Arabia football team ang Palestine 2-1 sa quarterfinals ng Arab Cup na ginaganap sa Qatar.
Bagamat talo ay nakapagtala naman ng record ang Palestine dahil sa unang pagkakataon na naka-abanse sa quarterfinals.
Bagamat pinilit ng Palestine na maitabla ang laro ay naging mahigpit ang ginawang depensa ng Saudi Arabia.
Pinuri naman ng Palestine Football Association ang kanilang koponan dahil sa ipinamalas na galing sa paglalaro para makaabot sa quarterfinals.
















