-- Advertisements --
Panibagong record ngayon ang hawak ng kilalang Filipino-American coach na si Erik Spoelstra.
Itinuturing kasi na ang head coach ng Miami Heat ay siyang pinakamatagal na aktibong coach sa major sporting games sa US.
Nakuha nito trono matapos na magretiro sa pagiging coach ng American football team na Pittsburgh Steelers sa loob ng 19-taon si Mike Tomlin.
Naging coach ng Heat si Spoelstra mula pa noong 2008 kung saan maging sa NBA ay siya ang may hawak ng titulo dahil sa pagreretiro ni Gregg Popovich ng San Antonio Spurs noong nakaraang taon.
Nagpasalamat naman si Spoelstra sa pagkilala kung saan nakatuon ito ngayon sa pagpapanatili ng Heat para muling makakuha ng kampeonato.
















