-- Advertisements --

Bahagyang lumakas ang bagyong Gorio habang patuloy itong kumikilos patungong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 km/h, papalapit sa silangang baybayin ng katimugang Taiwan.

Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 165 km hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Maximum sustained winds: 140 km/h malapit sa gitna
Gustiness: Hanggang 170 km/h
Direksyon: West Northwestward sa bilis na 25 km/h

Signal No. 2: Itbayat, Batanes — inaasahan ang minor hanggang moderate na epekto ng hangin.

Signal No. 1: Natitirang bahagi ng Batanes — posibleng makaranas ng minimal hanggang minor na epekto mula sa malalakas na hangin.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga lugar na nasa ilalim ng wind signals na mag-ingat, lalo na sa mga baybaying-dagat at bulubunduking lugar na mas lantad sa hangin. Posibleng lumawak pa ang saklaw ng mga babala kung magbabago ang direksyon o lakas ng bagyo.

Dahil sa paglakas ng southwest monsoon, inaasahan ang malalakas na bugso ng hangin mula ngayon sa mga sumusunod na lugar:

Babuyan Islands, Hilagang bahagi ng mainland Cagayan, Silangang bahagi ng Isabela at Hilagang bahagi ng Ilocos Norte.