Maglulunsad ang Chinese military ng joint military drills sa palibot ng Taiwan simula bukas, Martes, Disyembre 30.
Ito ay bilang mahigpit na babala umano laban sa external interference forces kasunod ng napaulat na arms sales ng US sa Taiwan, na inaangkin ng China na bahagi ng kanilang teritoryo.
Kung saan kabilang sa idedeploy ng Chinese military para sa military drills ay ang kanilang air, navy at rocket troops.
Sa isang statement naman, nagbanta si Japanese Prime Minister Sanae Takaichi na posibleng makialam ang kanilang militar sakaling gumawa ng aksiyon ang China laban sa Taiwan.
Base sa tagapagsalita ng People’s Liberation Army’s Eastern Theater Command, na si Senior Col. Shi Yi, ang military drills na may code name na “Justice Mission 2025” ay isasgawa sa Taiwan Straits at sa mga lugar sa norte, timong-kanluran at silangan ng isla.
Saad pa ni Shi na nakasentro ang mga aktibidad sa sea-air combat readiness patrol, joint seizure of comprehensive superiority, blockades o pagharang sa mga pangunahing daungan at deterrence sa labas ng island chain.
















